2 RP fighters, panalo sa Pan-Asian Boxing event sa Singapore
0 Comments
»
SINGAPORE -- Nagpamalas ng kanilang gilas ang dalawang Filipino fighters sa ginanap na Pan-Asian Boxing Association (PABA) event sa Suntec International Convention Center.
Tinalo ni Ariel Delgado sa isang 2nd Round KO ang pambato ng Japan na si Zaragoza Uema, habang nasungkit naman ni Australia-based Filipino Ariel Barotillo ang panalo via unanimous decision sa kalaba nitong Chinese na si Xu Cong Liang.
Samantala sa main event, nasungkit ni Leon Moore ng GUyana ang PABA superbantam belt sa laban nito kontra kay Marangin Marbun ng Indonesia.