Z Gorres, uuwi na ng bansa sa Pebrero


Nakatakda na umanong umuwi ng bansa ang Cebuano fighter na si Z Gorres sa February 4, matapos payagan na ito ng mga doktor ng University Medical Center sa Amerika na makalabas ng ospital.
Iniulat ng trainer na si Tony Martin na pansamantalang nakituloy ang si Gorres at asawa nitong si Datches sa bahay ng isang staff ni Dr. Benito Calderon, na siyang tumitingin sa kalagayan ng boksingero.
"This will enable him to undergo rehabilitation without unnecessary inconvenience as the house is near Dr. Calderon's clinic," ani Tony Martin.
Maalala na nagtamo ng pinsala sa utak si Gorres kasunod ng kaniyang laban kay Colombian Luis Melendez sa Mandalay Bay Hotel noong November 13, 2009.

2 RP fighters, panalo sa Pan-Asian Boxing event sa Singapore

SINGAPORE -- Nagpamalas ng kanilang gilas ang dalawang Filipino fighters sa ginanap na Pan-Asian Boxing Association (PABA) event sa Suntec International Convention Center.
Tinalo ni  Ariel Delgado sa isang 2nd Round KO ang pambato ng Japan na si Zaragoza Uema, habang nasungkit naman ni Australia-based Filipino Ariel Barotillo ang panalo via unanimous decision sa kalaba nitong Chinese na si Xu Cong Liang.
Samantala sa main event, nasungkit ni Leon Moore ng GUyana ang PABA superbantam belt sa laban nito kontra kay Marangin Marbun ng Indonesia.

Martirosyan, napanatili ang NABF/NABO


Tinambakan ng husto ng Barangay Ginebra Gin Kings ang Burger King sa pagpapatuloy ng Philppine Basketball Association (PBA) All-Filipino Cup.


Tinalo ng Gin Kings ang BK Whoopers sa score na 122-104.


Pinangunahan ni JC Intal ang Brgy. Ginebra sa kanyang 24 points at 5 rebounds.


Ang dating star player ng Philippine Christian University (PCU) Dolphins na si Beau Belga ay nakapagtala ng 17 na puntos para sa Burger King.